CHAPTER 50 3RD Person POV EXCITED na binuksan ni Leah ang telebisyon upang manuod ng balita tungkol sa kasal ni Princess Diane sa United Kingdom. Umupo siya sa couch katabi ni Laurel. “Hija! Tingnan mo,” turo ni Leah sa TV nang makita ang magandang wedding gown na suot iyon. Napahanga si Laurel habang pinapanuod ang hitsura ni Princess Diane. “Ang ganda mom! Who’s the designer?” Nanliit ang mga mata ni Leah na tila baga inaalala kung saang article niya nabasa ang buong pangalan ng designer. “I guess it’s Christopher Moore?” Suminghap si Leah at tinutok ang daliri sa harap ng kaniyang anak nang maalala iyon. “Naalala ko na! Hindi si Christopher Moore.” “Eh, sino?” “Si Allison Moore, ang asawa niya!” Nanlaki ang mga mata si Laurel at bahagyang natawa. Hindi niya akalain na nag-as