CHAPTER 73 3RD Person POV PAKUNUWANG naghihinagpis si Ian sa pagkawala ng kaniyang ama. Nasa loob sila ng memorial chapel kung saan do’n ginanap ang lamay. Nagsidagsaan ang mga empleyado ng Dela Cruz kasama sina Chairman Fernando at ang pamilya nito. Nakaupo si Ian at kunwaring umiiyak sa harapan ng abo ng kaniyang kinikikilalang ama. Lumapit si Laurel sa kaniya at umupo ito sa tabi niya. “I am sorry for your loss,” malungkot na sambit ni Laurel dito sa pinsan niya na halatang nagpapanggap lang ito. “Salamat,” tipid na pagsagot ni Ian habang pinahid ng likod ng palad ang luhaang mata nito. Ngumiti si Laurel at tinaas ang isang kilay dahil hindi niya akalaing nawala kaagad sa buhay ni Ian ang kaisa-isang pamilya nito. Alam niyang minsan pang naging kaaway ng daddy niya si Liam dahil s