Chapter 72 3rd Person POV PUMASOK ang isang lalaki sa loob ng kuwarto ni Liam at dahan-dahang tinanggal ang life support hanggang sa makita na nag-flat ang heart rate monitor nito. Nakasuot siya ng itim na jacket, may sombrero at tinakpan ang mukha dahil sa face mask. Nakakuyam na ngiti ang binigay niya dito nang malamang wala nang buhay si Liam Dela Cruz. Paglabas niya ng kuwarto ay kaagad itong bumaba ng ospital at nagtungo sa parking lot saka nilabas ang cellphone upang tawagan si Chairman Fernando. “Mission accomplished na po, chairman,” kampanteng wika nito sa kinikilala niyang boss. “Good. Magkita tayo bukas para ibigay ko sa’yo ang pera mo,” tugon nito saka binaba ang tawag. Ilang sandali pa ay pumasok siya ng sasakyan at sinimulang maniobrahin iyon. Saglit siyang napahinto n