CHAPTER 27 3RD Person POV NAPAHAWAK ng dibdib si Laurel nang makita ang presensya ni Sam paglabas niya ng banyo. Humugot siya nang malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili bago siya nagsalita. “Oh, look who's here! Hanggang dito ba sinusundan mo ako?” sarkastikong wika nito nang lumapit kay Sam. Matamlay na tinitigan ni Sam si Laurel nang muli niya itong makita matapos ng ilang buwan. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang mga nangyari sa Leyte. Nang dahil kay Laurel ay halos mamatay na ang anak niya sa sinapupunan. “Pasalamat ka, Laurel, dahil hindi kita sinundan hanggang sa bahay niyo.” Kunot-noong binigyan ni Laurel ng matalim na tingin si Sam nang sinabi iyon. “Anong ibig mong sabihin?” aniya na may kaakibat na panunuya. Tinarayan ni Sam si Laurel at lumapit siya upa