Chapter 28 Sam’s POV NAGMADALI akong pumasok ng mall nang binuksan ko ang cellphone upang masilip ang oras. Sa sobrang traffic ay halos mamatay ako sa hingal, makaabot lang sa opening ng event. Pagdating ko sa entrance ay kaagad na umagaw sa atensyon ko ang mga taong imbitado sa Bridal Fashion Show. Suot ng mga babaeng bista ang mamahaling gown na ilan sa mga iyon ay gawa ni Christopher Moore. Nakaita ko rin ang mga lalaking naka-formal attire na tila may magarang party ang dinadaluhan. Napansin ko rin na maraming mga mayayamang tao ang imbitado sa event, katulad ng mga atista at mga kilalang tao sa industriya. Nakaramdam ako bigla ng panghihina ng katawan nang sumagi sa isip ko ang nangyari sa Okada—no’ng hinabol ko si Renzo upang surpresahin siya. Biglang nanlalabo ang paningin ko