CHAPTER 103 3RD PERSON POV “I CAN’T BELIEVE IT!” galit na wika ni Renzo habang mahinay na naglalakad pababa ng building. Nang hindi na niya kinayang maglakad ay nagpasya siyang magtago at isandal ang sarili sa pader dahil sa hapdi ng hita niya. Hinubad niya ang kaniyang damit at pinunit ang tela upang gawing pangtali para mapigilan ang paglabas ng dugo. “Argh!” pigil niyang sigaw upang di siya marinig ni Laurel. Nanigas sa kinauupuan si Renzo nang bigla niyang marinig ang boses ng asawa niya. “Alam kong nagtatago ka ngayon, Renzo. Lumabas ka kung ayaw mong tuluyan ko ang anak mo,” anito saka malakas na nakakauyam na tawa ang ginawa ni Laurel. Napapikit ng mata si Renzo at napahigpit ng hawak sa baril niya. Sh*t! Hindi ko na yata mapipigilan si Laurel ngayon dahil masyado na siyang