CHAPTER 102 3RD PERSON POV PAGKABABA ni Renzo ng sasakyan ay mabilis niyang dinukot ang kaniyang tracking device mula sa bulsa niya. “Mabuti na lang may isa pa akong tracking device,” anito habang pinagmamasdan iyon. Ginala niya ang kaniyang paningin ngunit hindi niya matantuan kung saan naka-park ang sasakyan ni Laurel. Napatingala siya dahil sa taas ng building and he saw an old and unfinished building. “Delikado kung ikulong ni Laurel si Isabella dito,” natatarantang wika niya sa sarili. Muli siyang napatingin sa tracking device at kaniyang sinundan iyon at hindi siya nabigo nang makita niya ang sasakyan ni Laurel. Tinago ni Renzo ang kaniyang sarili sa mga nakapatong na hollow blocks at bahagyang sumilip upang makita ang ginagawa ni Laurel kay Isabella. “Let me go! Let me go!”