CHAPTER 92 FLASHBACK: THE NIGHT AFTER THE EVENT ALLISON’S POV ALAS NUEVE Y MEDYA ako bumaba ng building papuntang sasakyan dahil maaga akong lumabas ng event. Sa Dela Cruz company lang kasi namin ginanap ang event na iyon dahil may malaking function hall kami dito. Nasa labas na ako ay bigla ko na lang nakita si Ariana kasama ang yaya nito na may inaabang sa labas. Binaba ko ang bintana ng sasakyan upang kausapin sila. “ 'Bat di pa kayo umuuwi?” tanong ko sa kanila. “Wala pa po kasi driver namin, Miss Allison,” sagot ng yaya ni Ariana. “Eh, nasan si Laurel? Hindi ba dapat kasama niyo?” “Hindi ko po siya mahanap, hindi rin po namin alam kung nasa’n siya. Napilitan po ako na isama ko si Ariana dito dahil gustong-gusto niya makita ang mommy at daddy niya. Na-mi-miss niya na raw ang dal