CHAPTER 91 FLASHBACK: THE NIGHT AFTER THE EVENT 3RD PERSON POV MULING ininom ni Chris ang tequila pagkuwan ay nilatag ang baso sa bar table. Nakita niya ang waiter na naglilinis ng glass wine kaya tinawag niya iyon. “One bucket of mule beer please?” Napahinto ang waiter at ilagay sa lalagyan ang glass wine. “Sure po. Wait lang,” tugon nito saka nagpunta sa kusina. Habang hinihintay ni Chris ang order ay biglang nag-flashback sa kaniya ang nangyari kanina. Hindi niya akalaing gagawin iyon ni Sam dahil sa pag-aakala niyang totoong mahal siya nito. Hindi rin malinaw sa kaniya kung bakit mas pinapaboran nito si Renzo, kung bakit gano’n na lang kadali para kay Sam na patawarin si Renzo sa lahat ng mga kasalanang nagawa nito. “Ito na po ang order niyo. Medyo hindi lang po malamig ang bee