CHAPTER 90 3RD PERSON POV KINABUKASAN. Maagang pumasok si Sam sa Dela Cruz building dahil may meeting siyang dadalohan para sana sa bagong project na i-la-launch nila. Sa lobby pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao, mga titig na parang hindi maalis sa isip ang skandalong nangyari kagabi. Umilig na naglalakad siya hanggang sa nakapasok siya sa elevator. Habang nasa loob siya ay bigla niya na lang narinig ang usapan ng dalawang empleyadong babae sa likuran niya, na animo’y nagpaparinig ito dahil sa nangyari. “Nakakahiya ang nakita natin kagabi. Akala ko pa naman naka-move on na siya sa ex niya. Sikat pa naman siya, baka mamaya niyan ay bigla na lang siya malaos.” “Oo nga, eh. Laking panghihinayang ko kung mahihiwalay sila ni Chris.” “Naku! For sure! Maghihiwalay ‘yang dalawa.”