CHAPTER 89 ALLISON’S POV “GUSTO KO LANG BA? O gusto nating dalawa?" Lumapit siya sa akin at nakita ko ang mga luha sa pisngi niya. Bahagyang napalayo ako nang humarap siya sa akin at umiiyak. “Alam kong mahal mo pa ako, Sam dahil kitang kita ko iyon sa mga mata mo. Kahit ilang beses ako humingi ng tawad sa’yo, kahit ilang beses akong magmakaawa sa’yo, nababasa ko sa puso mo na mahal mo pa rin ako. I know it sounds crazy…pero iyon ang nakikita ko sa’yo.” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. “Alam kong hindi na mangyayaring maging tayo ulit dahil hindi na puwede. I only ask your forgiveness. Kahit patawarin mo na lang ako, Sam. Kahit iyon na lang.” Marahas kong tinanggal ang pagkahawak niya sa mga kamay ko pagkuwan ay pinahid ng palad ko ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa pisngi.