Chapter 98

1414 Words

CHAPTER 98 3RD PERSON POV NAGMADALING kinuha ni Nanay Sally ang kaniyang cellphone nang marinig ang malakas na tunog hampas sa gate ng bahay nila. Inunat niya ang kaniyang ulo at sinilip kung sino ang gumagawa no’n. “Sino sila?” sigaw niya ngunit hindi siya dinig nito at patuloy lang ginagawa. Nakita niya si Isabella na kabababa lang ng hagdan at naiiyak dahil sa takot. “What is going on, Nanay Sally? I’m scared po,” naluluha niyang tanong kaya hinagkan ni Nanay Sally ang bata. “ ‘Wag kang mag-alala, anak tatawagin natin ang mommy mo,” anito saka pinindot ang call button upang tawagan si Sam. Ilang sandali lang ay sinagot ni Sam ang tawag. “Hija! Naku! Kailangan mong tumawag ng pulis.” “Ha? Anong nangyayari? Papunta pa lang d’yan ang mga pulis kasi nakatakas si Laurel sa venue.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD