CHAPTER 97 3RD PERSON POV BIGLANG YUMUKO si Laurel at nagtago sa likod ng upuan nang marinig niyang hinahanap siya ng mga pulis. Dagli siyang lumabas at mabilis na nagtungo sa opisina niya upang kunin ang ibang mga gamit para tumakas. “Is this what you want, Sam? You can’t have me!” aniya sa isip habang mabilis na tumatakbo papuntang opisina. Saktong bumukas ang elevator kaya walang pasubaling pumasok siya at dagling pinindot ang floor number. Pagdating niya ay lumabas siya at karakang tumakbo at pumasok ng opisina. Hingal nang hinahanap niya ang ibang mga papeles at pinasok iyon sa isang malaking bag. Nagtungo siya sa vault at mabilis na kinuha lahat ng pera sa loob. “Oh s**t!” sambit niya nang mahulog ang isang gold bar mula sa vault kaya pinulot niya iyon at pinasok sa bag. Na