CHAPTER 96 LAUREL’S POV NGITING naglakad ako sa hallway papuntang venue kung saan gaganapin ang Annual Shareholder’s Meeting. Hindi ko alam kung bakit sobrang taas ng confidence ko na mapapahiya sa meeting si Sam dahil sa nangyaring scandal no’ng nakaraan. Napahinto ako ng paglakad nang biglang makasalubong ko sa daan si Sam. “Oh, well. This is your first Annual Shareholder’s Meeting under Dela Cruz Company, right? I’m kinda disappointed dahil sira na pangalan mo sa industrya…ang landi mo kasi, Sam,” sarkastikong wika ko sa kaniya at natuklasan kong marahang tumawa siya sa harapan ko. “Kung sa pagiging malandi lang ang labanan, mas lamang ka do’n Laurel. Hindi mo ba naisip no’ng nilandi mo asawa ko no’ng nakaraang gabi? Gano’n ka ba kadesperadang agawin ang dapat sa akin? O baka nakak