CHAPTER 107 3RD PERSON POV ISANG malakas na sampal ang sinapit ni Laurel sa pisngi nang dumating sa interrogation room si Sam. “How dare you, Laurel!” Hindi nakatiis si Sam kaya bigla niyang hinila ang buhok ni Laurel papunta sa kaniya. “Hindi ka nakuntento sa ginawa mo kay Chris tapos binaril mo si Renzo? Nasisiraan ka na talaga ng bait, Laurel! Ang bagay sa’yo ang mabulok sa kulungan!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Sam habang sinasabunutan si Laurel. Kaagad namang pumasok sa interrogation room ang isang pulis upang pakalmahin at pigilan si Sam ngunit hindi ito nagpapaawat. Mas lalong kumulo ang dugo ni Sam nang makitang masama ang titig ni Laurel sa kaniya kaya hinila niya pataas ang buhok nito dahilan ng pagtayo ni Laurel mula s