CHAPTER 108 3RD PERSON POV DAHAN-DAHANG binuksan ni Chris ang kaniyang mga mata at biglang bumungad sa kaniya ang kurtina ng bintana na tantya niyang nasa loob siya ng isang VIP room dahil sa ganda ng kuwarto. Ginalaw niya ang kaniyang sarili ngunit dama niya pa rin ang hapdi sa likod niya. He’s lying on his right-side kaya medyo uncomfortable para sa kaniya dahil sa kirot kaya mas mabuti nang tumayo na lang siya kaysa humiga. Muli niyang ginalaw ang sarili at mabuti na lang ay matagumpay siyang nakabangon. Mahinay na binaba niya ang dalawang paa at sinuot ang tsinelas saka tumayo. Nang hinakbang niya ang isa niyang paa ay bigla siyang napahinto dahil may nakakabit pa lang suwero sa likod ng palad niya. “Ano kaya ito? Bakit may suwero ako?” aniya sa sarili