CHAPTER 11 3rd Person POV NAKANGITI si Laurel nang idilat ang mata habang inuunat ang mga braso. Humikab siya at lumingon upang tingnan kung tulog pa si Renzo. Naisip niya ang masayang nangyari kagabi, they really had a good night. “Good morning babe,” maligayang bati nito saka hinalikan ang labi ng binata. Ikalawang araw nila sa resort ngayon. At masaya siya no’ng napirmahan niya ang kontrata ni Sam kahapon. Iniisip niya ang susunod na hakbang kung paano niya pababagsakin ang negosyo nito. Bigla niyang nagunita ang nangyari sa Okada na kung saan una niyang nakita si Sam. Nabulag-bulagan siya noon. Hindi niya pinakinggan ang tsismis tungkol dito. Ngunit nang makompirma niya na si Sam ay isa sa mga naging kasintahan ni Renzo ay hindi niya pinalagpas ang pagkakataong ito. Lahat ng na