CHAPTER 12 3rd Person POV SA LIKOD ng native guest house ay narinig ni Sam ang mga kaluskos at ungol ng babae. Nagtataka siya kung bakit sa madilim na bahaging iyon naroon ito. Sa kaisipang baka may masamang nangyari dito ay nagpasya siyang usisain iyon. Hindi pa siya nakakalapit ay bigla niyang narinig ang boses ng lalaki. “Ano ba…bilisan mo!” wika nito na tila kinakapos na paghinga. Nasa dulo ng pader si Sam upang silipin ang mga kaganapan sa likod ng native house. “I’m…coming! Sh*t! Renzo!” sigaw ng babae at patuloy lang na umungol hanggang sa matapos ang pangyayaring iyon. Bagama’t hindi nakita ni Sam ang aktuwal na nangyari ay mabilis siyang bumalik sa pader saka tinakpan ng palad ang bibig. Parang huminto ang buong paligid niya nang paulit-ulit naririnig sa isip ang pagsigaw