CHAPTER 85 ALLISON’S POV LAKING KINAGULAT KO nang binanggit niya ang pangalan ko. Bumango siya at napaupo sa kama ngunit bigla siyang napahawak sa ulo dahil siguro nahihilo ito. “Sam.” Mabilis niya akong hinagkan kaya napaangat ako ng baba dahil amoy ko sa kaniya ang ininom niyang alak. Narinig ko ang pagtangis niya habang muling sambit pangalan ko. “Patawarin mo ako, Sam…patawad.” Ginalaw ko ang mga braso ko upang kumawala sa pagyakap niya. Walang kibong tumindig ako habang pinagmamasdan ko siyang nakayuko. “Puwede bang magpahinga ka na lang?” aniko sa kaniya. Huminto siya sa pag-iyak at pinahid ng kaniyang palad ang mga luha sa pisngi. “Bakit mo ako tinulungan? Akala ko ba gusto mo na akong patayin?” aniya habang ginagawa iyon. Ganito ba siya pag lasing na minsan matino siyang