CHAPTER 86 LAUREL’S POV “NAKITA ko po si Renzo kasama si Allison kagabi.” Napatindig ako mula sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi ng isang bodyguard ko na spy para tiktikan si Renzo. “What?! Saan mo nakita?” “Sa Emperial Hyatt po.” Inabot niya sa akin ang cellphone niya kaya maharas kong hinablot iyon sa kamay niya. Kunot-noo kong pinindot ang play button at nanlaki ang mga mata ko nang makitang magkayakap sila. Napalunok ako at napakuyom ng kamay habang pinagmamasdan ko ito. Hindi nga ako nagkakamaling si Sam pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ni Renzo. Ngumiwi ako at kampanteng nilatag ko ang cellphone sa lamesa. “I’ll keep this video.” Isang buwan na lang ay ika-45th anniversary na ng Dela Cruz Company at sa araw na iyon ay ibibigay ko sa kaniya ang malaking pasabog kong