"Your child is exceptional child, Mr Cameron. His talents and his intelligence is different from the others," the school principal explained. "Thank you for that, Mr Principal. But can I ask why you let me come here? According to my son it's about his graduation ceremony?" patanong na sagot ni Garrette. "Kasali na iyon, Mr Cameron. Dahil ang nais kong ipahiwatig ay ang anak mo ang kumatawan sa paaralan natin upang mag-aral sa ibang bansa. Sa lahat ng graduating ngayon ay siya lamang ang qualified. Although lahat sila ay pasado as elementary pupils. Ngunit kung grades ang pag-uusapan ay si Enrico ang pumasok sa qualified grades." Inilapag ng principal ang folder na nagpapatunay sa mga binitawang salita. Agad naman iyong dinampot ni Garrette at binuklat. Totoo naman kasi ang tinuran nito.