"Ano?! Ikaw na matanda ka, aba'y bakit ang bagal mong maglakad?!" singhal ni Marga sa asawa. "Ikaw naman, honey. Mabagal pa ba ito? Habol-habol ko na nga ang hininga ko ah. Makakapasok naman tayo ah," angal ni Shane I. Aba'y kung kailan nagkaedad sila ay saka pa yata naging matuling lumakad ang mahal niyang asawa. "Kung ganoon ay maiwan ka na riyan! I want to see my granddaughter!" singhal niyang muli sa asawa. Ah! Basta! Gusto niyang makita ang apo niyang babae. Bahala na ang asawa niya kung makahabol ito sa kaniya o hindi. May kalayuan naman naman kasi ang gate at main door. Lakad-takbo pa rin ang ginawa niya. Hanggang sa makarating siya sa main door. "Grandma! Come! My sister is so beautiful like Mom. Look at here, Grandma." Masayang sumalubong si Enrico sa abuela nang napansin ito