"Sa tingin ko ay hindi pa ito binasa ni Garrette. Ang taong iyon talaga pagdating sa asawa niya ay nawawala sa hulog." Napangiwi tuloy si Shane I habang hawak ang folder ng apo nila. "Pagbigyan mo na, honey. Saka sa tingin mo ba ay madiktahan mo ang taong iyon? You him as well, Honey," ani Marga. Sigurado naman kasi silang hindi binasa ng anak nila ang nasa loob ng folder. Maaaring ang live birth certificate lamang ng sanggol ang pinagtuunan ng pansin. Dahil nakalakip doon ang sulat kamay ng manugang nila. Hindi man nila binasa dahil nakapangalan kay Garrette ngunit alam nilang may mahalagang nakapaloob sa sulat. "Sabagay tama ka, Honey. At isa pa ay alam kong ang mahanap at maibalik dito si Joy ang tanging nasa isipan niya. By the way, may tiwala at alam kong matalinong bata si Enrico