Halos hindi pa umiinit ang puwet ng mag-asawang Garrette at Christine Joy nang narinig ang parang serena ng patrol na boses ng kanilang prinsesa. Kaya naman ay napatayo sila upang puntahan sana ito kaso nakasalubong naman nila sa main door. "What's on that very loud voice, Princess?" tanong ni Garrette. "Ah, Daddy, where can I enroll myself in martial arts? Those pest! Ayaw nila akong tigilan eh! What if I'll just shoot them by gun?!" Sa inis na lumulukob sa kaibutuwiran ng puso ay nakalimutan na ring magbigay galang sa mga magulang. "Saglit lang, wala akong maunawaan sa ipinagpuputak mo anak. Ano ba kasi ang problema mo? Noong una halos sunugin mo ang bahay dahil sa pagluluto ng sunog na itlog at sinangag. Ganyan na ganyan din ang sinabi mo. Those pest also. Hindi lamang iyan, ano ba