Few days later... "Ano ang sabi ng pinsan mo anak?" taong ni Marga kay Garrette. "Ayon kay insan Jamellah ay isang taon na palang walang komunikasyon ang manugang ko at si Zack Joseph. Nagtungo raw ito sa Basilan last year ngunit hindi nagpaalam kay Rizza. Isang taon din daw na naging tahanan nito ang kalsada upang makibalita sa kanila kung nasaan ang kasintahan. Subalit dahil nangako sila sa anak nila na magiging lihim ang lahat ay pinanindigan nilang hindi sinabi kung nasaan ito. Basta na lamang daw iniwan sa eri kaya't ang sabi nilang mag-asawa ay pinayuhan din daw nila si Rizza na kalimutan na si Zack Joseph. Simula daw noon ay hindi na rin nagbalok ang manugang ko. At ayon pa sa kanila ay masayaa silang mag-asawa para sa kaniya dahil kahit hindi nakatuluyan ang binata nila ay sa ati