CHAPTER SIXTY

2124 Words

"Mommy! I miss you, Mommy!" malakas na sabi ni Enrico nang mapagsino ang dumating. Sa katunayan nga ay sa guard house ito naghintay. Hindi na rin nagtungong paaralan sa dahilang practice na lamang. Kung tutuusin ay hindi pa nakalapit ang madrasta ay tinakbo na ang pagitan saka yumakap kay Joy. "I miss you, son. Kumusta ka na? Ang laki-laki mo na ah." Gumanti nang yakap si Christine Joy sa stepson niya. Hindi man niya ito iniluwal ngunit higit pa roon ang turing niya. "Pasok na po tayo, Mommy. Kanina pa naghihintay sina Grandma at younger sister ko. Wala po si Grandpa dahil nasa hospital. Siya nagbantay kay Daddy," anitong muli. Sa narinig ay napalingon siya kay Ethan. "Go ahead, hipag. Don't worry, dahil alam nila ang kilos ko. Kaming lahat ang nagplano upang puntahan kita sa Tarlac.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD