"Hindi na kita kukumustahin pinsan dahil sa hitsura mo pa lang ay halatang hindi ka okay. Ngunit itatanong ko ang asawa mo. Wala pa rin bang ipinagbago? Hindi n'yo pa rin ba siya nakakausap?" tanong ni Rhayne sa pinsang buo. "How I wish insan. How I wish na may ipinagbago ang asawa ko. Sa totoo lang ay ang anak ko lamang ang nakakakita sa kaniya. The whole week I haven't seen her, cousin." Inilahad niya ang palad upang paupuin ang panauhin. Ang pinsan niyang isa rin sa professor ng mahal niyang asawa. "Naisipan kitang dalawin dito sa opisina mo instead of going in your home. Dahil gusto kitang makausap ng masinsinan, insan," muli ay wika nito. Alam niya ang sasabihin ng pinsan niya. Hindi siya manghuhula ngunit sa pananalita pa lamang nito ay alam na niya ang dahilan kung bakit sa priba