"Sorry, Mr Cameron, pero iyan ang totoo. Nang natapos ang last period niya kaninang umaga ay umalis na rin siya. But let me ask you first, hatid-sundo mo ang asawa mo sa pagkakaalam ko, so paanong umuwi siya na wala kayong nalalaman? It's out of my way pero sana pinasundo mo na lamang siya kung hindi mo siya masundo," pahayag ng University Dean. "Kung ganoon, bakit umuwi siya na wasak ang damit, wala sa sarili at ibang-iba ang ugali niya mula kaninang umaga," napaupong sambit ni Garrette. Hindi malaman kung sarili ang kausap ko ang University Dean. "Alam kong confidential pero halika, Mr Cameron. Puntahan natin ang guard house. Itanong natin kung puweding buksan ng chief of security ang CCTV doon upang alamin natin kung saan siya nagtungo nang lumabas siya. Alam mo naman siguro na kahit