"Wilmer Gabb!" sabayang sambit ng mag-asawang Garrette at Christine Joy nang napagbuksan ang kanilang anak. "Ay, sabayan pa talaga kayong dalawa, Mommy, Daddy?" nakatawang ani ng binata. Sinadya naman niyang hindi sinabi sa mga magulang niya ang tungkol sa pag-uwi dahil gusto niya silang surpresahin. Isang na at tatlong buwan ang nakaraan simula nang umalis siya ng bansang Pilipinas. Tama nga silang lahat, ang magandang ibinunga nang pag-alis niya noon ay nakilala niya ang isang DJ na taga Baguio rin. Gusto niyang patunayan sa dalaga na seryoso siya sa kaniyang pag-ibig. "Ikaw na bata ka ay natuto ka ring paikutin kami ng Daddy mo---" "Ouch! Masakit Mommy! Nakakabawas pogi points...Eh, sorry na po kung hindi ko sinabi... Bitaw na po, Mommy. Alam po nina Grandpa at Grandma ang pagdating