"Wala na kaming ibang masabi anak kundi mag-ingat ka roon sa bansang pupuntahan mo," malungkot na sabi ni Christine Joy sa bunsong anak. Silang mag-asawa ang naghatid dito sa NIA. Dahil alam niyang kahit dalawang kontrata ang ipinangako nito na bubuuin sa ibang bansa ay sigurado siyang hind rin madali iyon para sa kaniya bilang ina. Nauunawaan naman din niya ang layunin nito ngunit hindi pa rin niya maiwasang malungkot. "Salamat, Mommy. Kayo rin po ni daddy," sagot nito saka yumakap sa kanilang mag-asawa. "I'm still a lawyer even I'm not working to any government agencies, Wilmer. Kahit anumang oras kung may problema ka roon ay isangguni mo sa akin at ora mismo ay pupuntahan kita. Take care of yourself to the foreign country where you're going. And please don't forget to ask HIS guidan