ALAS OTSO ng umaga nang lisanin niya ang silid para pumunta sa main kitchen ng hotel. Naroon ang Executive Chef na pamangkin ni Mrs. Madrigal na nag-offer na maging assistant niya. Nahiya naman siya dahil sino ba naman siya kumpara rito na talagang bihasa na. Nalaman din niya rito na shareholder pala si Mrs. Madrigal dito sa hotel kaya madali para sa Donya na bitbitin ang isang kagaya niya para isabak sa kusina nang napakalaking hotel na iyon. Marami man siyang iniisip bago lisanin ang silid, isinantabi niya iyon dahil kailangan na isandaang porsyento siyang focus sa gagawin. Pinag-walang bahala muna niya ang kawalan ng message ni Arnie sa kanya sa ikatlong araw niya roon kahit sumasakit na ang dibdib niya sa pag-aalala. Bukod pa sa inaalala niya ay ang pagharap niya mamaya sa matataas n