"MAY BABY ka na po sa tummy mo, Mommy?" Mula sa pinto ng mansyon ay tumatakbong lumapit sa kanila sa sala ang kanyang anak. Obvious na narinig nito ang usapan nila dahil sa kakaibang kislap sa mga mata nito. Nagkatinginan silang mag-asawa at pagkatapos ay maingat na inilagay nito sa kandungan ang anak niya. "Gusto mo na bang magka-baby sa tummy ang Mommy, anak?" masuyo nitong tanong sa anak niya. Gusto niyang maluha dahil doon. Kahit kailan ay hindi nito itinuring na iba si Catie bagkus ay tunay na anak ang tingin nito sa bata. Hindi na rin tuloy siya nagtataka kung bakit malapit na malapit ang loob nito sa asawa niya. Medyo nabawasan tuloy ang mga sandali na nagtatanong ito tungkol kay Zach. Siguro'y dahil hindi nito nararamdaman na kapos ito sa pagmamahal ng isang ama. "Yes po, Papa,