Chapter 88

1921 Words

LUMIPAS pa ang mga araw at patuloy na nararanasan ni Tiffany ang bigat ng paglilihi na hindi niya naranasan noong ipinagbubuntis niya ang anak na si Catie. Kung noong naglilihi siya kay Catie ay antok lamang ang naging kalaban niya, ngayon ay dinaranas niya ang lahat ng kailangang pagdaanan ng isang naglilihi. Mula pagkagising sa umaga ay susuka na siya ng susuka at hindi iyon titigil hanggang hindi siya nakakakain ng kahit na anong matamis. Weird pero hindi niya rin alam kung bakit iyon ang nakakapagpawala ng pangangasim ng kanyang sikmura. Nagpapasalamat naman siya dahil sa lagi na ay nakaalalay ang pinakamamahal niyang asawa. Madalas pa nga ay sinasabi nito na kung pwedeng ito na lamang daw ang dumanas ng lahat ng paghihirap niya ay kukuhanin na raw nito lahat para hindi siya mahirapan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD