ARNIE "ARN, nasaan na kayo? Mag-u-umpisa na ang ceremony," tinig ni Joy mula sa kabilang linya. "Joy, I'm sorry pero hindi na kami makararating. We're on our way there nang biglang sumakit ang tiyan ng ate mo. Right now nandito na kami sa hospital. And up to now nag-la-labor pa rin si Tiffany." Graduation day nito ngayon at gaya ng naipangako ni Tiffany sa kapatid ay pupunta sana sila para saksihan ang importanteng pangyayari sa buhay nito pero bigla ngang nag-labor ang asawa niya. "H-ha? Oh my God! Lalabas na rin sa wakas ang pamangkin ko! Okay, sasabihin ko kina Mama at Papa, Arn. Kumusta si ate?" bigla ang excitement sa tinig nito. "Nasa labor room na. Bawal daw ako sa loob kaya naghihintay lang ako rito sa labas. Kaka-update lang ni Dra. na four CM pa lang kaya medyo matagal pa