"CONGRATULATIONS, guys! Masaya ako para sa inyo. Gawa kaagad kayo ng baby, ha?" aniya kina Zach at Anna nang makaupo na. "Huwag kang mag-alala, Tif. Igagawa kaagad namin ng kalaro si Catie, hindi ba, baby?" anito saka binalingan si Anna. "Dati mo pa sinasabi 'yan, Babe, pero hindi ka na nakabuo," natatawang sabi ni Anna. Dahil doon ay nagtawanan ang lahat. Bigla tuloy naging tampulan ng tukso si Zach. Maya-maya pa ay bumalik na ito sa kabilang grupo. "So, Tif, dito ka na for good?" tanong ni Zia na kaibigan nila. "Oo, Zia. Balak kong mag-business ulit," sagot niya. "Good idea, 'yan, Tif. Saan mo balak?" tanong ni Anna. "Iyan nga ang problema ko, Anna. Gusto ko sana somewhere in Manila. Nandito na kasi si Joy sa province, e. Pero wala naman akong alam na place. Gusto ko nga sana