TIFFANY "Mommy, kailangan mo po ba talagang umalis?" umiiyak na tanong ng anak niyang si Catie. Noon ay nasa NAIA terminal three na sila dahil hinatid siya ng mga ito. Ngayon ang alis niya papuntang Australia. Kinuha niya mula sa ama ang anak at pinunasan ang mga luha nito. "Oo, baby, e. Kailangan ito para mabigyan ka namin ni Daddy ng magandang future," naiiyak din niyang sabi pero pinilit niyang ngumiti. Ayaw niyang makita siya ng anak na umiiyak din dahil siguradong mas lalo itong hindi tatahan. "Don't cry na, baby. Nandito naman si Daddy, e. Nandito kami ni Tita Anna, kami muna ang mag-aalaga sa 'yo habang wala si Mommy, okay ba 'yon?" pang-aalo ni Zach dito. Kinuha nito mula sa kanya ang bata at saka niyakap ang anak. "Tama ang Mommy mo, Catie. Kung papayag ka, habang wala ang