"BAKIT hindi mo tawagan si Tiffany, anak? Baka sakaling sagutin niya," mungkahi ng Mama niya. "Kanina ko pa 'yan ginagawa, Mama. Pero wala, ring lang ng ring ang phone niya pero ayaw niyang sagutin," napapagod na sabi niya. Pahinamad na iniupo niya ang sarili sa sofa at sinapo ng dalawang palad ang mukha. Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Napakagago niya! Napakatanga niya dahil nagpadala siya sa awa niya kay Dennise tuloy ngayon ay mukhang mawawala pa sa kanya ang babaeng pinakamamahal. "E, ano ba kasi ang ginagawa ni Dennise dito? Sabi niya ay may nangyari raw sa inyo?" Pinilit niyang ibalik ang isip sa mga naganap nang nagdaang gabi. Pinipilit niyang alalahanin kung may katotohanan nga ba ang sinasabi ni Dennise. Dahil kung siya ang tatanungin, alam niya sa sariling wala talagang