TIFFANY "Okay, sige na, magpapalit na ako, babe," paalam niya sa kasintahan. Seryoso ito at tila hindi siya lulubayan kapag hindi niya ito sinunod. "Let's go, samahan ka namin ni Catie?" akmang hahawakan siya nito sa palad. "No need, babe. Sandali lang ako," tanggi niya saka na siya nagkakad. "Okay, hihintayin ka na lang namin dito." Pagpihit niya pabalik ay sinalubong siya ng kapatid. "Sa'n ka pupunta, ate?" "I'll change my swimsuit lang," tipid niyang sabi. "Pinagpapalit ka? Ang KJ ni Arn, ha! Pero teka muna, kita ko 'yung kissing scene n'yo kanina. Mukhang sarap na sarap ka," tudyo pa nito. "Sira! Nakamata kasi 'yung ex. Kaya ayun, kailangan maging artista ng ate mo at umarteng hindi nahihiya sa mga tao," nangingiti niyang sabi rito. "Pakitingin sandali si Catie, sis, ha?"