TIFFANY Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil maagang nagyaya si Catie na mag-swimming. Pagkatapos kainin ang in-order nilang almusal ay binihisan na niya ng rash guard ang anak. Nagpalit naman siya ng black one piece swimsuit ngunit sa halip na patungan muli iyon ng shorts ay hinayaan lamang niya iyon na ganoon. Ang sumatutal ay lumabas ang tunay na hubog ng katawan niya. Sabihin pang ang swimsuit na suot niya ay may kutab sa magkabilang gilid ng kanyang baywang. Kitang-kita ang puti at kinis niya dahil sa kulay ng kanyang suot. "Mommy, ang sexy mo po. Gusto ko rin po ng ganyan," untag ng anak niya sa pagtitig niya sa sarili sa salamin. "Mamaya, anak, kapag nagpalit ka, ha? Ganito ang isusuot ko sa 'yo," sagot niya sa anak. "Okay po." "Ready ka na? Let's go?" "Opo, Mom." Sa