TIFFANY ALAS DIYES nang magising siya. Bahagya pa siyang nagtaka nang magisnang wala sa tabi ang kasintahan. Ilang sandali nang maalala niyang nag-dinner nga pala ito kasama ang pamilya niya. Nararamdaman na rin niya ang pagkulo ng tiyan kaya nagpasya siyang bumangon. Akmang kukunin niya ang cellphone para tawagan si Arnie nang biglang bumukas ang kanyang pinto at iluwa ang binata. "Hi! Kanina ka pa gising, sweetie?" malambing nitong tanong. "No, babe. Kagigising ko lang." "Good. Wait lang, i-re-ready ko lang 'yung food mo, sweetheart." "Thank you. Ano palang nabili mo?" "I bought you, Pasta Alfredo, mojos and fries. Hindi healthy pero alam kong gusto mo 'yan. Promise me na mag-ra-rice ka na bukas, ha?" "Opo." Hindi niya mapigilang mangiti. Wala pa rin kasi itong ipinagbago, han