ARNIE KANINANG umaga pa lamang ay alam na niya na tuluyan ng annulled ang kasal nina Tiffany at Zach habang nasa kalagitnaan siya ng meeting. Wala siyang kasing-saya nang dumating ang balitang iyon sa kanya dahil lahat ng koneksyon ng pamilya nila ay ginamit niya para lamang mapabilis ang proseso niyon at magkaroon kaagad ng desisyon. Hiniling kasi niya kay Zach na ipaubaya na sa kanya ang pag-a-ayos noon bagay na pabor rito dahil wala na itong aalalahanin pa. At kanina ngang umaga ay tinawagan na siya ng abogado para ibalita ang matagal na niyang hinihintay. Ngayon ay wala siyang ibang gagawin kung hindi ang asikasuhin ang mga plano niya para sa pinakamamahal niyang si Tiffany. "Hello, Joy?" aniya ng sa wakas ay sagutin nito ang tawag niya. Naisipan niya itong tawagan para kausapin ito