"What do you think, babe?" tanong niya rito. "For me, it's okay, sweetheart. Kailangan mo rin 'yon para ma-relax ka. Isa pa hindi ka naman nagbabakasyon. You can join them if you want. Hindi mo na kailangang magpaalam sa akin kapag mga ganoong bagay, sweetie." "Thank you, babe. Why so understanding, ha? Pero mas magugustuhan ko iyon kung kasama ka." Niyakap niya ito dahil sobra siyang na-touch sa lahat ng sinabi nito. Napakabait nito at pakiramdam niya ay napaka-swerte niya. "Parang ang awkward yata noon, sweetie kung kasama ako," anito ns ginantihan ang yakap niya. "Hoy! Baka nakakalimutan ninyo na narito ako, kung magyakapan kayo diyan, wagas," ani Joy na alam naman nilang nagbibiro lang. Natawa sila at naghiwalay. "Ang arte mo! Sasama kayo ni Arth?" tanong niya sa kapatid. "