Chapter 39

2099 Words

Maaga silang sinundo ni Zach ng araw iyon. Gaya ng dati ay sa mall nagyaya si Catie. Kumain sila sa paborito nitong fast food pagkatapos ay hinayaan nila itong maglaro sa mga playgrounds doon. Ipinamili ito ni Zach ng mga damit at laruan kaya tuwang-tuwa ang anak niya.  "Ang dami naman niyan, Zach. Puno na ng laruan ni Catie ang bahay namin," sabi niya habang hindi magkamayaw ang anak sa pagtulak sa cart nilang puno ng laruan at damit. "Maliit na bagay lang 'yan, Tif. Kita mo naman ang saya sa mukha ng anak natin, sulit na sulit," anito habang buong pagmamahal na tinitingnan ang anak nila.  "Salamat at hindi ka nagkukulang kay Catie, Zach." "Mahal na mahal ko kayo ni Catie, Tif. Masaya ako kapag nakikita ko kayong masaya." "Mommy, look! Ang dami kong new toys!" tili ng anak nila na um

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD