Ilang oras pa ang dumaan at nasa Laiya Batangas na sila pero ang anak niyang si Catie ay tulog pa rin hanggang sa mga oras na 'yon. "We're here na, sweetheart," anunsyo ng binata maya-maya nang pumasok ang kotse nito sa pasilidad ng White Cove Beach Resort. "Teka, gigisingin ko na si Catie." "No need, sweetheart. Bubuhatin ko na lang si Catie," sabi ng binata. "S-sige, ikaw ang bahala." Bumaba ito at pinagbuksan muna siya ng pinto saka ibinaba ang ibang dalahan nila. Sa likod nila ay sakto namang padating na ang kotse ni Arthur na kasunuran lamang nila. Binuksan ng binata ang pinto sa gilid ni Catie saka nito binuhat ang anak niya sa isang kamay. "Guys, nag-text si Kuya Zach, nasa hotel na raw sila. Hihintayin daw nila tayo sa lobby," sabi ni Joy na papunta na sa kinaroroonan nil