ARNIE Nagtaka siya nang hindi masumpungan si Tiffany sa kanyang tabi. Magkasabay silang nagtungo sa beach para panoorin ang mga kasamahan na naliligo at para maligo na rin pero nalingat lamang siya ay biglang wala na ito. "Joy, nakita mo ba si ate mo?" "Oo. Maglalakad-lakad lang daw siya. Sabi ko nga sasamahan ko pero ayaw, e. Ano ba ang nangyari, Arn?" "Ang totoo hindi ko rin alam, Joy. Nasa tabi ko lang siya kanina, e. Wait, hahanapin ko lang." "Mabuti pa nga. Nag-aalala ako, e. Gusto ko sanang samahan pero mas gusto raw niyang mag-isa." Sukat sa sinabi ni Joy ay mas lalo siyang nag-alala. Malalaki ang hakbang na iniwan niya ito pero hanapin ang kasintahan. May bente minuto na siyang naglalakad at kung anu-ano ng hindi maganda ang naiisip niya nang sa wakas ay makita si Tiffany m