"A-ANO'NG ginagawa n'yo riyan?" Dagli ay humiwalay siya sa binata. "Nakikinig kami sa usapan n'yo, ate, bakit? Kasi kung hindi mo pa talaga patatawarin itong si Arn, itutulak na talaga kita para matauhan ka," ani Joy na kakaiba ang kislap sa mga mata. "Ang sama n'yo! Masama kayang makinig sa usapan ng may usapan! Mamaya niyan may secret kami, e, di narinig n'yo rin," iiling iling niyang sabi. Nahiya kasi siyang bigla sa mga pinagsasabi niya kanina na narinig pala ng mga ito. "Okay lang 'yan, sweetheart. Masaya lang sila para sa atin," ani Arnie saka siya inakbayan. "Oo nga naman, anak. Besides, kami lang naman ito kaya hindi ka dapat mahiya," nakangiting sabi ng Papa niya. "Si Papa talaga!" "O siya, ang mabuti pa'y maupo na kayo at ipaghahanda ko kayo ng miryenda," anang Mama ni