ARNIE "Bro, alam mo na ba?" tinig ni Zach mula sa kabilang linya. "Ang alin, bro?" Balik tanong niya sa kaibigan. "She's back, pare." "Sino?" kunot-noo niyang sabi. "Pucha naman, dude! 'Yung sweetheart mo, bumalik na," sabi nito na naging dahilan para matahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Dapat sana ay magdiwang siya dahil dalawang taon niyang hinintay na bumalik ito pero hindi naman niya alam kung paano ito lalapitan ngayon. "Hey! So, ano? Wala kang sasabihin?" untag ni Zach sa pananahimik niya. "Si T-Tiffany?" "Sino pa ba? Para namang may iba ka pang naging sweetheart!" anito. Muli ay natigilan siya ng ilang sandali. Hindi ba dapat ay masaya siya? Matagal niyang hinintay na bumalik ito. "Hindi na ako kilala no'n, dude," aniya sa kawalan ng sasabihin