"Sweetheart, alagaan mo ang sarili mo habang wala ako, ha? Kakain ka sa oras at huwag kang magpapakapagod. Tatandaan mo na I have my eyes on you," ani Arnie habang kinakain nila ang pasalubong nitong Chocolate Moose ng Diana's kinabukasan. Bahagya siyang nangiti dahil iisa lang naman ang kilala niyang spy ng kasintahan pagdating sa kanya. Iyon ay walang iba kung hindi ang kapatid niyang si Joy. "Oo naman, babe. Ikaw ang mag-ingat doon dahil mag-isa ka lang. Baka mamaya sa sobrang busy mo nakakalimutan mo na ang kumain sa tamang oras." "Syempre hindi, sweetie. Alam kong magagalit ka, e." "Mabuti alam mo! Kapag nagkasakit ka do'n, sigurado pupuntahan kita," may himig pagbabantang sabi niya. "Huwag kang mag-alala sa akin, okay?" Pinisil nito ang baba niya saka siya dinampian ng halik. "M