ARNIE HALOS hilahin niya ang bawat araw na dumaraan para matapos lamang ang isang buwan niya sa Puerto Princesa. At ngayon nga ay may natitira na lamang siyang dalawang linggo rito pagkatapos ay makakauwi na siya. Kahit paano ay sulit naman ang hirap at pagod niya sa pagsuyod sa iba't ibang isla dahil ang tatlong investors na naka-meeting niya ay na-impress sa kanyang proposal. Nangako ang mga ito ng malaking invesment sa kompanya niya at kontrata na lamang ang kailangan niyang ihanda. Sa kabuuan ay may dalawa na lamang siyang kikitain at umaasa siyang kagaya nang mga nauna ay makakasundo rin niya ang mga ito. "Babe, mamasyal naman tayo. Malapit na tayong umuwi pero ni hindi man lang natin nakuhang mamasyal," ani Dennise nang puntahan siya nito sa hindi na niya mabilang na beses kung il