Chapter 53

1038 Words

TAMA naman ito. Iyon naman talaga ang napansin niya. Kahit nga ang binata noon ay ni hindi niya naisip na nag-ma-may-ari ng isang kompanya dahil sa pagka-simple nito. At mas lalo niya itong minahal dahil doon.  "Alam mo, babe, tama si Tita Veronica," sabi niya maya-maya. "Na ano, sweetheart?"  "Swerte ako sa 'yo. Wala akong nakilalang tao na kasing bait mo. Ni hindi pa kita nakitang magalit. Ang haba ng pasensiya mo sa lahat ng bagay." "Alam mo ba na mali ka, sweetheart?"  Napaangat ang ulo niya at saka tumingin sa binata. "H-ha?" kunot noo niyang tanong. Hinalikan muna siya nito sa noo bago sumagot. "Mali ka dahil ako ang swerte sa 'yo. At alam mo ba kung bakit?"  "Sige nga, bakit?" "Kasi nagawa mo akong mahalin kahit pa nga sabihing ni hindi mo alam kung saan ako nanggaling. Kahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD